Nanawagan sa gobyerno ang isang eksperto na paigtingin pa ang vaccination rollout ng pamahalaan kasunod ng pagpasok na sa bansa ng nakakahawang Delta COVID-19 variant.
Sa interview ng RMN Manila, sinabi ni UP-OCTA Research team fellow Dr. Butch Ong na kailangan pa ring maabot ang 350,000 hanggang 500,000 pagbabakuna kada araw upang maabot ang pagluluwag pa ng restrictions.
Nagpaalala naman ito sa gobyerno na huwag nang hintaying dumating pa ang surge ng kaso at gumawa na ng paraan upang masugpo ito.
Una nang nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng 16 na kaso ng Delta variant sa Pilipinas.
Ang Delta variant na unang na-detect sa India ay kayang makapanghawa ng lima hanggang 8 indibidwal.
Facebook Comments