Binigyang diin sa isinagawang Local Health Board ng Infanta ang pagpapaigting pa umano dapat ng mga programa at mga pangangailangan sa sektor ng kalusugan at serbisyong medikal sa kanilang lugar.
Kailangan pa umanong pataasin ang pondo para sa mga dapat pagtuunan na serbisyong medikal tulad ng emergency response system.
Karagdagang mga ambulansya at mga kagamitang pang-medikal ang kinakailangan upang mapaigting pa ang pagresponde sa mga residenteng nangangailangan.
Ilan din sa mga tinalakay sa pulong ay ang layon na mapababa ang mga sakit sa komunidad at pamamahagi ng tamang impormasyon ukol sa mga nakababahalang sakit ngayon tulad ng Monkeypox (MPOX) upang maiwasan ang pagkalat at pagkakaroon ng kaso nito sa lugar. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments









