Pagpapaigting pa sa vaccination program sagot upang hindi matulad ang Pilipinas sa mga bansa ngayong nagkakaroon muli ng surge ng COVID-19 cases

Binigyang diin ng Palasyo ng Malakanyang na ang pagpapaigting pa rin ng pagbabakuna ang pinakamabisang paraan upang malabanan ang COVID-19.

Pahayag ito ni Presidential Spokesperson Sec. Harry Roque hinggil sa mga paghahandang ginagawa ng pamahalaan upang hindi matulad sa naitatalang pagtaas ng COVID-19 cases sa iba pang mga bansa tulad ng United Kingdom at New Zealand.

Ayon sa kalihim, nakikita naman ng lahat na bagama’t mayroong pagtaas ng kaso sa ibang bansa, hindi naman napu-puno ang mga ospital.


Nangangahulugan lamang aniya na gumagana at epektibo ang COVID-19 vaccines.

Giit pa nito, kahit na mahawa pa ng virus ang isang indibidwal ay tila nagiging ordinaryong sipon o flu na lamang ito dahil sila ay fully vaccinated na.

Ito aniya ang kahalagahan nang patuloy na pagpapalakas ng vaccination program, habang sinusunod pa rin ng publiko ang mga minimum public health protocols tulad ng mask, hugas at iwas.

Facebook Comments