PAGPAPAIGTING SA INILUNSAD NA LIGTAS SUMVAC 2023, TINIYAK NG PNP DAGUPAN

Kaisa ang PNP Dagupan sa kailan lamang na inilunsad na Ligtas SUMVAC 2023 ng Philippine National Police para sa isang ligtas at payapang summer vacation ng mga tao.
Saklaw ng nasabing kampanya ang pag-antabay sa obserbasyon ng Semana Santa sa unang linggo ng Abril at pataas hanggang sa panahon ng Pista at Flores de Mayo sa Mayo bago ang tag-ulan.
Alinsunod dito, naglabas na ang PNP ng operational guidelines sa mga kapulisan, sa kanilang police stations na siyang susundan bilang magpapaigting sa mapayapang kapaligiran para sa mga taong dadagsa sa mga tourist destinations, maging sa seguridad ng mga taong babyahe.

Magkakaroon ng checkpoints operations, regular na inspeksyon at mobile patrols nang matiyak ang tinatawag na maximised police presence sa mga lugar na dadagsain ng tao.
Sa kasalukuyan, nagsasagawa na ng inspeksyon ang PNP Dagupan sa itinayong Police Assistance Desk sa Tondaligan Beach at Bonuan Gueset. Gayundin ang mga Traffic Management sa kahabaan ng AB Fernandez Ave. na naglalayong matiyak ang kaligtasan ng nasasakupan ng lungsod. |ifmnews
Facebook Comments