Pagpapaigting sa pagbabakuna ipinag-utos ni Pangulong Duterte

Inatasan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Department of Health (DOH) maging ang National Task Force Against COVID-19 na ipursige pa ang pagbabahay-bahay para mabakunahan ang mga Pilipinong hindi pa natuturukan kahit isa man lang na bakuna kontra COVID-19.

Ang direktiba ng pangulo ay kasunod nang ulat na aabot sa 27 milyong doses ng COVID-19 vaccines ang nakatakdang mapaso sa Hulyo.

Ayon sa pangulo kailangan itong maiturok upang hindi masayang ang mga bakuna.


Aniya, kung kinakailangang magsagawa ng last minute vaccination program sa pamamagitan ng pagdadala ng bakuna sa mismong mga bahay ay gagawin ng pamahalaan pero wala namang magagawa ang gobyerno kung ayaw talagang magpabakuna ng ilan.

Kasunod nito, umaapela ang pangulo sa mga myembro ng New Peoples Army (NPA) na wag atakehin ang mga healthcare workers na magsasagawa ng house to house vaccination sa mga liblib na lugar sa bansa.

Facebook Comments