Pagpapaigting sa paggamit ng irrigation water at pagsusulong ng water security sa Pilipinas, palalakasin pa ng Marcos administration

Lumagda ng kasunduan ang National Irrigation Admitration (NIA) at Department of Environment and Natural Resources o (DENR).

Ito ay para sa pagpapalakas ng water rights ng NIA at para ma-promote pa ang water security ng Pilipinas.

Ayon kay Department of Environment and Natural Resources (DENR) Usec. Carlos Primo David, layon ng kasunduang ito na gawing solido ang mga hakbang ng gobyerno sa pagtiyak ng water security sa pamamagitan ng iba’t ibang tanggapan ng pamahalaan.


Ibig sabihin, ang irrigation water ng NIA ay hindi na lamang basta gagamitin sa agri sector, sa halip, gagamitin din ito para sa power production, bulk water supply, aquaculture, recreation, para sa turismo, at iba pa.

Ang DENR ang binigyan ng direktiba na mangalaga sa water resources ng bansa para matugunan nito ang pangangailangan, batay na rin sa itinatakda ng batas.

Kaugnay nito, hinimok naman ng Office of the Executive Secretary ang NIA, National Water Resources Board (NWRB), at Water Resources Management Office (WRMO), na maging mas responsive sa pangangailangan ng bansa sa paggamit at pag-develop ng tubig.

Facebook Comments