Dapat paigtingin pa ang vaccination drive ng pamahalaan para malabanan ang Covid-19 partikular na ang banta ng omicron variant.
Ito ang inihayag ng infectious disease expert na si Dr. Edsel Salvaña sa gitna ng tatlong araw na national vaccination drive na tatagal hanggang unang araw ng Disyembre.
Ayon kay Salvaña, bagama’t posibleng mas mababa ang bisa ng bakuna kontra sa Omicron variant ay mayroon pa rin itong naibibigay na proteksiyon.
Iminungkahi rin ni Salvaña ang patuloy na pagsunod sa minimum public health standards.
Malaking bagay rin aniya ang pagkakaroon ng maayos na ventilation at ang paghihigpit ng border controls.
Facebook Comments