Pinag-aaralan na ng gobyerno ang posibilidad na paikliin ang interval ng primary doses at booster shots ng bakuna kontra COVID-19.
Pagkalipas ito ng tatlo hanggang apat na buwan matapos matanggap ang una at ikalawang dose ng bakuna.
Ayon kay Vaccine Czar secretary Carlito Galvez Jr., gagawa sila ng rekomendasyon na ipapasa sa Food and Drug Administration (FDA) upang mapaikli sa tatlong buwan ang interval period para magturok ng boosters sa fully vaccinated individuals.
Bukas naman si Galvez sa mga payo ng eksperto upang mapataas pa ang proteksyon laban sa virus at mapalawak ang sakop ng national vaccination.
Facebook Comments