Umaapela si Senator Joel Villanueva sa Department of Health (DOH) na irekonsidera ang desisyon na iklian ang quarantine period ng mga health worker na nagpopositibo sa COVID-19.
Pasya ito ng DOH para matugunan ang kakulangan sa manpower ng mga ospital o mga healthcare facilities.
Pero giit ni Villanueva, malalagay sa peligro ang mga healthcare worker at maging ang pasyenteng kanilang aasikasuhin kapag pinaikli na lang ang kanilang isolation o quarantine period.
Diin pa ni Villanueva, maaari ring malagay sa alanganin ang inuuwiang pamilya ng mga healthcare workers sa naturang plano ng DOH.
Ikinatwiran ni Villanueva na sa halos dalawang taon nating pakikipaglaban sa COVID-19 pandemic, ating nakita na walang shortcut na daan patungo sa recovery.
Facebook Comments