Pagpapaiksi ng panahon ng quarantine sa mga fully vaccinated na Pilipino na umuuwi ng Pilipinas, welcome sa OWWA

Welcome para sa Overseas Workers Welfare Administrator (OWWA) ang pagpapaiksi ng panahon ng quarantine sa mga fully vaccinated na Pilipino na umuuwi ng Pilipinas.

Mula ito sa mga bansang nasa green at yellow list.

Sa ilalim ng bagong panuntunan ng Inter-Agency Task Force (IATF), limang araw na lamang ang kanilang facility-based quarantine kapag nagnegatibo sa COVID-19 RT-PCR test sa ikalimang araw.


Sa bahay na lamang ipagpapatuloy ang quarantine para sa hanggang sampung araw.

Sa ngayon, paliwanag ni OWWA Administrator Hans Leo Cacdac, nasa 9,000 Overseas Filipino Workers (OFWs) ang nasa 1,078 quarantine hotels sa Metro Manila.

Facebook Comments