Para kay Senator Richard Gordon, kalokohan ang pagpapaimbestiga ng ilang kongresista sa OCTA Research Group na nag-iisyu ng projections na kaugnay sa COVID-19 cases, ito’y binubuo ng mga scientist, mathematician, academician at analyst.
Layunin ng ilang kongresista na mabusisi ang methodology ng OCTA Research Group, sa pagkalap ng datos at kung nakaka-apekto ang mga projection nito sa pag-aksyon ng pamahalaan at mamamayan sa gitna ng pandemya.
Pero tanong ni Gordon, sa anong dahilan bakit pinupuntirya ng mga kongresista ang mga mensahero.
Giit ni Gordon, kailangan ang medical science para maging epektibong malabanan ang COVID-19 pandemic.
Paliwanag ni Gordon, kailangan dito ang lahat ng panig ng medical professionals at academe.
Facebook Comments