LINGAYEN, PANGASINAN – Hindi pa naman tiyak sa ngayon kung muling iiral ang pagpaparehistro sa S-PASS kasabay ng pag-usbong ng bagong COVID-19 variant at hanggang sa ngayon ay tanging vaccination card at government issued IDs lamang ang titignan sa mga borders ng Pangasinan bago makapasok sa lalawigan.
Mababatid na kamakailan ay ipinag utos ng gobernador ang pag-revoke o pansamantalang pag-aalis ng S-PASS registration kasabay ng pagbaba ng alert level at sa pagbaba ng kaso ng COVID-19.
Sinabi ni Provincial Health Office Chief Dra. Anna De Guzman, habang banta ang Omicron variant ay umaasa ang Local Task Force na ang lahat ng nakalatag na preventive measures katulad seaports at airports sa bansa ay sapat upang mapigilan naman ang posibleng pagkalat pa nito.
Kaugnay naman nito ay pinapatatag pa lalo ng pamunuan ng PHO ang pagbabakuna sa mga Pangasinense upang sa lalong madaling panahon umano ay makamit na ng lalawigan ang herd immunity at population protection kontra sa COVID-19. | ifmnews