Pagpapairal ng kamay na bakal pagdating sa pagbabakuna, hindi napapanahon – Palasyo

Walang balak ang pamahalaan na magpatupad ng kamay na bakal o sapilitang pagbabakuna.

Ayon kay Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque, noong una pa man, ito ang polisiya ng administrasyong Duterte.

Sinabi pa ni Roque na hindi naman nakaka-alarmang medyo mababa pa rin ang bilang ng mga Pilipinong nais magpabakuna dahil unang-una ay hindi pa naman dumadating ang bulto ng suplay ng mga binili nating mga bakuna.


Kasunod nito, positibo naman ang Palasyo na unti-unti nang tataas ang vaccine confidence.

Aniya, base sa latest Social Weather Stations (SWS) survey, 51% na ng mga Pilipino ang nais na magpabakuna.

Kasunod nito, puspusan ang ginagawang kampanya ng pamahalaan upang maipabatid sa publiko ang kahalagahan ng pagbabakuna.

Facebook Comments