Iginiit ni Comittee on Economic Affairs Chairperson Senator Imee Marcos sa Department of Trade and Industry (DTI) na magpakalat ng mas maraming Kadiwa rolling store na nagbebenta ng mas murang mga bilihin.
Isa ito sa nakikitang solusyon Marcos sa tumataas na bilihin sa mga palengke ngayong Kapaskuhan at kasunod din ng paghagupit ng magkakasunod na bagyo.
Base sa mga reklamo na natanggap ng opisina ni Marcos, nagmahal ang presyo ng mga bilihin dahil sa kapos na supply ng mga produkto mula sa mga lalawigan dulot ng pinsala ng bagyo sa agrikultura gayong mataas ang demand o pangangailangan ng publiko.
Bukod dito ay mataas din ang mark-up cost ng mga middlemen o mga gumigitna sa pagbili ng mga gulay sa mga farmers patungo sa mga nagtitinda.
Paliwanag ni Marcos, mas mura ang paninda ng Kadiwa rolling store ng gobyerno dahil direkta ang pagbili nito ng mga produkto mula sa mga magsasaka kaya walang mga middlemen na nagpapatong ng presyo.