Pagpapakalat ng pulis at sundalo, makatwirang gawin para tiyakin ang implementasyon ng health protocols laban sa COVID-19

Suportado ni Senate President Vicente “Tito” Sotto III ang muling pagpapakalat ng mga pulis at sundalo para tiyakin ang mahigpit na pagpapatupad ng health protocols sa harap ng muling pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa bansa.

Tiwala si Sotto sa anumang desisyon ng Inter-Agency Task Force dahil ito lang ang nakakaalam ng totoong sitwasyon at mga statistic.

Ikinatwiran naman ni Senator Panfilo “Ping” Lacson na sa ngayon ay nasa ilalim pa tayo ng state of public health emergency at patuloy pang lumalaban at nagsisikap na makabangon sa pandemya.


Giit ni Lacson, sa ilalim ng Konstitusyon ay maaring gamitin ng pamahalaan ang police power sa harap ng lumolobong kaso ng COVID-19.

Paliwanag naman ni Senator Sonny Angara, andyan pa rin ang pulis at militar dahil nasa State of Emergency pa din ang bansa.

Facebook Comments