Pagpapakalat ng sundalo para magpatupad ng ECQ, pinaboran ng isang senador

Sang-ayon si Senator Sherwin Gatchalian na magpakalat ng mga sundalo para tulungan ang pulisya sa pagpapatupad ng Enhanced Community Quarantine o ECQ na may layuning pigilan ang pagkalat pa ng COVID-19.

Naniniwala si Gatchalian na mas susunod ang mga tao kung may presensya ng militar o kung makakakita sila ng nakauniporme ng fatigue sa lansangan kumpara sa mga barangay tanod lamang.

Reaskyon ito ni Gatchalian sa pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na gagawin niyang Martial Law ang istilo ng implementasyon ng ECQ dahil marami ang matititgas ang ulo at hindi sumusunod.


Pero ayon kay Gatchalian, dapat ay may koordinasyon sa Local Government Units o LGUs ang hakbang ng militar para gawing istrikto ang pagpapatupad ng ECQ.

Ipinaliwanag ni Gatchalian, na mananatiling ground commander pa rin ang chief of police na siyang makikipag-ugnayan sa mga alkalde kung saan pandagdag pwersa lang military.

Facebook Comments