SAN NICOLAS, PANGASINAN – Matagumpay na isinagawa ang pagpapakalawa sa libu-libong hipon sa bahagi ng San Roque Dam sa bayan.
Nasa mahigit 25,000 na piraso ng freshwater prawn (ULANG) o hipon mula sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources ang pinakawalan sa katubigan ng nasabing dam.
Ang aktibidad na ito ay bilang parte ng programa ng BFAR na Balik Sigla sa Ilog at Lawa o BASIL ng BFAR upang mapanumbalik ang sigla ng mga anyong tubig sa ikaanim na distrito.
Ang mga pinakawalang hipon ay inaasahan umanong magbibigay ng karagdagang pangkabuhayan para sa mga residenteng mangingisda paglipas ng dalawang taon kung hahayaan umano silang maging malaya upang makapagparami.
Kaisa sa pagpapakawala ng mga ito sa pangunguna ng LGU San Nicolas katuwang ang mga kawani ng BFAR Region 1 sa pamumuno ni Regional Dir. Rosario Segundina P. Gaerlan, mga grupo ng mangingisda, Municipal Agriculture at mga kawani ng San Roque Dam Power Corporation. |ifmnews
Facebook Comments