Dumipensa ang Malacañang sa mga tiradang ibinato ni Pangulong Rodrigo Duterte laban kay Vice President Leni Robredo.
Ito ang pahayag ng Palasyo matapos sabihin ni Robredo sa isang interview na palaging ‘pikon’ ang Pangulo kapag siya na ang nagsasalita.
Dagdag pa ng Bise Presidente na ang mga ganitong asta ay hindi maituturing na isang presidente.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, nagre-react lamang ang Pangulo sa mga pahayag ni Robredo na palaging “mali.”
Iginiit muli ni Roque na hindi kailangan ng rekomendasyon mula sa Health Technology Assessment Council (HTAC) para magamit ang ang 600,000 Sinovac vaccine doses na donasyon ng China.
“Ang konteksto ng sinasabi ng Presidente na mali na naman si VP ay ‘yung sinasabi niya na dapat mag-antay ‘yung mga medical frontliners ng HTAC recommendation para magpaturok,” ani Roque.
Una nang sinabi ng Pangulong Duterte na handa siyang magbigay ng pera kay Robredo para mamili ng bakuna.