Pina-iimbestigahan na ng kongreso kung mayroong nalabag sa protocols sa pagpapakawala ng tubig sa Magat Dam.
Ito ay matapos ang malawakang pagbaha na naitala sa Cagayan at Isabela nitong nakalipas na buwan dahil sa Bagyong Maring.
Ayon kay Senator Kiko Pangilinan na dating Chairman ng National Irrigation Administration (NIA), kung nasunod ang mga protocol ay maiiwasan ang matinding baha.
Sinuportahan naman ito ng NIA at sinabing dapat i-review ang protocols sa pagre-release ng tubig.
Sa ngayon, ang protocols sa mga dam ay dapat magpakawala ng tubig dalawa o tatlong araw bago ang landfall ng isang bagyo.
Naging taliwas ito sa naging pagsusuri sa ginawa ng Magat Dam na makikitang wala pang landfall forecast tatlong araw bago nito, walang nai-release na tubig ang Magat dam sa mga advisory nito.