Itinigil na ang pagpapakawala ng tubig sa Ambuklao Dam sa lalawigan ng Benguet.
Ayon sa PAGASA Hydrometeorology Division, napanatili na nito ang tamang lebel ng tubig sa Dam na mas mababa sa 752 meters normal high water level.
Base sa reading kaninang alas-6 ng umaga, nasa 751.29 meters ang lebel ng tubig sa Ambuklao Dam, mas mababa sa 571.46 meters kahapon.
Ayon pa sa PAGASA, tanging ang Binga Dam, isa pang dam sa Benguet at Magat Dam sa Isabela ang patuloy pang nagpapakawala ng tubig.
Ngayong umaga, nasa 574.75 ang water elevation sa Binga Dam habang nasa 190.20 meters naman ang lebel ng tubig ng Magat Dam.
Facebook Comments