Cauayan City, Isabela- Kasalukuyang pinag-aaralan ng National Irrigation Administration-Magat River Integrated Irrigation System (NIA-MARIIS) kung itutuloy ang pagpapakawala ng tubig sa Magat Dam ngayong araw, Oktubre 21, 2020.
Sa panayam ng 98.5 iFM Cauayan kay Engr. Wilfredo Gloria, Department Manager ng NIA-MARIIS, tinatantiya pa ng kanilang ahensya kung itutuloy o kakanselahin ang pagpapakawala ng tubig mamayang ala 1:00 ng hapon base na rin sa naibigay na abiso kahapon.
Kanyang ibinahagi na as of 5am, October 21, 2020, ang Magat reservoir level ay nasa 187.88 meters above sea level na lamang, ang inflow ay nasa 797 cms habang ang outflow ay 138 cms.
Dahil dito, bumaba aniya ang water inflow ng Magat reservoir dahil hindi naitala ang inaasahang rainfall na 120 mm sa 24 oras kung saan ay nasa 37.1 lamang ang naitala.
Gayunman, pinapaalalahanan pa rin ang lahat lalo na sa mga nakatira sa mababang lugar o flood prone areas na lumikas kung kinakailangan, mag-ingat at maging alerto.
Dagdag pa ni Engr. Gloria, anumang oras ay maglalabas ng bagong advisory ang NIA-MARIIS kung itutuloy ang pagpapakawala ng tubig dahil nakadipende aniya ito sa magiging sitwasyon ng panahon na dulot ng bagyong Pepito.
Tgas: nia-mariis, engr wilfredo gloria, magat dam, bagyong pepito, 98.5 ifm cauayam. ifm cauayan, cauayan city, isabela, luzon,