Pagpapakawala ng tubig sa mga dam, iniutos

Ipinag-utos ni Department of Environment and Natural Resources (DENR) Sec. Toni Yulo-Loyzaga ang unti-unting pagpapakawala ng tubig sa mga dam lalo pa’t lumakas ang Bagyong Marce.

Sa presscon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) sinabi nito na layon ng preventive spilling na maiwasan ang malawakang pagbaha at pagragasa ng mga tubig.

Aniya, sa pamamagitan nito ay maiiwasan ang emergency spilling at hindi magiging problemado ang camp management.


Samantala sinabi rin ni Loyzaga na dapat ay mayroong flood control measures na sasalo sa mga tubig saka sakaling magpakawala ng tubig ang mga dam.

Ilan sa mga posibleng magsagawa ng preventive spilling ay ang Magat at San Roque Dam.

Facebook Comments