Pagpapakita ng kabayanihan sa simpleng malasakit sa kapwa, mensahe ni PBBM ngayong National Heroes’ Day

Kaisa ng sambayanang Pilipino si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa pagdiriwang ng National Heroes’ Day ngayong araw.

Sa kaniyang opisyal na mensahe, binigyang-pugay ng pangulo, hindi lamang ang mga kilalang bayani sa kasaysayan, kundi pati na rin ang mga modernong bayani gaya ng mga magsasaka, mangingisda, guro, sundalo, law enforcers, at maging ang mga ordinaryong mamamayang nagpapakita ng kabayanihan sa araw-araw.

Hinikayat din ng pangulo ang publiko na isabuhay ang diwa ng kabayanihan sa pamamagitan ng mga simpleng akto ng malasakit at pagtutulungan.

May kakayahan aniyang maging bayani ang bawat Pilipino sa kanilang sariling paraan sa makabagong panahon ng Pilipinas.

Sa pagdiriwang na ito, muli ring ipinaalala ng pangulo na ang tunay na kabayanihan ay nasusukat hindi lamang sa malalaking sakripisyo kundi pati sa maliliit ngunit makabuluhang gawa para sa kapwa at sa bansa.

Facebook Comments