Pagpapakita ng malasakit sa kapwa, paaala sa mga Pilipino sa pagsisimula ng Ramadan ng mga Muslim – PBBM

Naniniwala si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na ang pagsisimula ng Holy Month of Ramadan ng mga kapatid na Muslim ay isang paalala sa mga Pilipino na mas maging mapagmalasakit sa kapwa.

Ito ay kahit pa magkakaiba ang relihiyon na kinaaniban ng bawat Pilipino.

Ayon sa pangulo, ang mga ritwal na mayroon ang mga muslim sa panahon ng Ramadan ay paalala na dapat mas maging compassionate at may malasakit sa kapwa.


Maging paalala rin na manatili ang paninindigan sa human dignity at solidarity.

Ang panahon din aniya ng fasting, prayer ng mga kapatid na Muslim ay pagpapakita rin ng magandang values, disiplina, paggalang at pagpapakumbaba na dapat maging gabay ng mga Pilipino.

Sinabi pa ng pangulo na bilang ang bansa ay mayaman sa cultural diversity kailangang hayaang manatili ang paggalang sa isa’t isa, pang-unawa at pagmamahal.

Ang Ramadan ng mga Muslim ay nagsimula ngayong araw at magtatagal ng isang buwan.

Facebook Comments