Muling nagpapaalala ang pamunuan ng Pangasinan Health Office ukol sa kahalagahan ng pagpapakonsulta sa mga kinauukulan sakaling makaranas ng sintomas ng sakit na dengue.
Sinabi ni Provincial Health Officer Dra. Anna Maria Theresa De Guzman, mahalaga ang pagkakaroon ng maagap at maagang pagpapakonsulta para hindi na lumala ang mga sintomas at mga impeksyong maaaring idulot ng sakit na ito.
Huwag na rin anilang patagalin ang nararamdaman gaya ng kung tatlong araw nang nakakaranas ng lagnat.
Huwag na rin hintayin na lumabas pa ang ilang sintomas gaya ng rashes, pagsusuka, pantal pantal na balat, pagdurugo ng gilagid at marami pang iba.
Samantala, sa pinakahuling datos ng PHO pumalo sa 1, 425 ang naitalang kaso at nasa labindalawang katao naman ang nasawi sa sakit.
Mas mababa naman ang nabanggit na bilang kumpara sa parehong panahon noong nakaraang taon na nasa 2, 099 at nasa limang katao ang nasawi.

Facebook Comments