Pagpapakulong kay PBBM, iginiit ni Rep. Barzaga

Lalo ngayong lumakas ang paggiit ni Cavite 4th District Rep. Kiko Barzaga na dapat makulong si Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr.

Kasunod ito ng isiniwalat ni dating Congressman Elizaldy Co na iniutos sa kanya ni Pangulong Marcos na magpasok ng ₱100 billion na halaga ng proyekto sa pondo ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa ilalim ng 2025 national budget.

Sa kanyang post sa Facebook ay sinabi ni Barzaga na binigyan si PBBM ng mamamayang Pilipino ng pagkakataon na baguhin ang legacy na iniwan ng kanyang ama na si dating pangulong Ferdinand Marcos Sr. pero mas malala pala ito.

May hinala din si Barzaga na posibleng kasama ang mga ebidensya sa flood control scandal sa nasunog na gusali ng DPWH sa Quezon City kamakailan.

Sabi ni Barzaga, posibleng walang makulong na magnanakaw sa gobyerno hangga’t nasa Malakanyang si Marcos.

Bunsod nito ay muling isinulong ni Barzaga ang pagtanggal sa ipinapataw na Value Added Tax o VAT sa mga produkto at serbisyo dahil kanyang ipinunto na bakit pa nagbabayad ng buwis kung nanakawin lang umano ito.

Facebook Comments