Pagdedemanda sa Mister na Nangaliwa, Binawi ni Misis!

*Cauayan City, Isabela* – Pusong mapagpatawad, likas parin sa mga asawang babae. Ito ang pinatunayan ng isang misis nang tuluyan pinatawad ang kanyang mister matapos niya itong unang ipakulong.

Una nang naibalita dito sa 98.5 iFm Cauayan ang pagpapakulong ni mrs Joyce, di tunay na pangalan sa kanyang asawang itinago sa pangalang Louie.

Ayon kay Joyce, nahuli niya sa aktong magkasama sa isang kuwartong bording house sa Brgy. San Fermin, dito sa Cauayan City ang kanyang 28 taong gulang asawa at ang sinasabing kabit nitong pinangalanang Mich..


Sa naging panayam ng 98.5 iFM Cauayan sa 24 gulang na si Joyce, ang kapakanan ng anak ng kabit ng kanyang mister ang kanyang isinaalang alang.

Nangako umano ang kanyang mister na magbabago na at ayon pa kay Joyce, hindi ito ang unang pagkakataon na nangaliwa ang kanyang awasa.

Ang tatlo ay magkaka-trabaho sa iisang kumpanya dito sa lungsod ng Cauayan.

Aniya, mahal na mahal pa rin niya ang kanyang mister kahit na paulit-ulit itong nagloko at para na rin sa kanilang limang taong gulang na anak na babae.

Inaasahan naman na makakalaya ang mister nito sakaling matanggap na ang resolusyon na pirmado mula City Prosecutor Office.

Facebook Comments