Hinikayat ni Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle ang mga Katoliko na sumunod sa mga lider na mapagkumbaba at kayang iwaksi ang kapangyarihan at kayamanan gaya ni Hesukristo.
Sa kaniyang homily kahapon, ipinaalala ng cardinal kung bakit ipinagdiriwang ng mga Katoliko ang pagdating ni Hesukritso sa Herusalem, isang linggo bago siya ipako sa krus.
Hinamon rin ni Tagle ang mga Katoliko na sumunod sa yapak ni Hesukristo at huwag magpaloko sa mga pinuno na mataas ang tingin sa sarili dahil sa kapangyarihan at kayamanan.
Hinimok rin ni Tagle ang mga Katoliko na ilaan ang Semana Santa sa pagsisisi sa mga kasalanan at pagkilala ng lubos kay Hesukristo.
Facebook Comments