Pagpapalabas ng commitment order ng mga korte para sa mga preso na patungong BJMP facilities, sinuspinde ng Korte Suprema

Sinuspinde ng Korte Suprema sa pamamagitan ng Office of the Court Administrator ang pagpapalabas ng Commitment Order ng mga hukuman para sa mga inmate na tutungo sa pasilidad ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP).

Kasunod ito ng kahilingan ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Sec. Eduardo Año para makaiwas sa lalo pang kontaminasyon ng COVID-19 sa mga detention facilities.

Sakop ng kautusan ang mga hukom sa first at second level na layon ding ma-protektahan ang mga tinaguriang Persons Deprived of Liberty (PDL).


Posible pang mapalawig ang tagal ng suspensiyon ng paglalabas ng commitment order ng mga hukuman sakaling ito’y kailanganin.

Facebook Comments