Cauayan City, Isabela – Tuloy na tuloy ang pagpapalabas ng 2nd. batch para sa listahan ng mga barangay official na sangkot sa ipinagbabawal na gamot. Ito ang naging pahayag ni DILG Undersecretary for Barangay Affairs Martin Diño sa naging panayam ng RMN Cauayan sa programang Straight To The Point.
Aniya kahit umano matapos ang eleksyon ay ipagpapatuloy parin ng DILG na ilabas ang lahat ng may kaugnayan sa iligal na droga at isang krimen ito sa bansa.
Sa katunayan ayon pa kay Usec Diño ay may labing limang kaso na ang naisampa sa ombudsman at may karagdagang 600 pang mga pangalan ng mga barangay officials.
May listahan narin umano ang PDEA ng mga pangalan mula sa mga mayor hanggang gobernador na direktang may kaugnayan sa droga.
Facebook Comments