Pormal nang hiniling ng Senado sa Department of Justice (DOJ) ang pagsasailalim kay dating Presidential Economic Adviser Michael Yang sa hold departure order (HDO), watch list o sa lookout bulletin.
Ito ay matapos na ilang beses na hindi nakadalo sa pagdinig ng Senado si Yang hinggil sa pagbili ng gobyerno sa umano’y overpriced na pandemic supplies.
Sa sulat na ipinadala kina Justice Secretary Menardo Guevarra at Immigration Commissioner Jaime Morente noong September 13, hiniling ni Senador Richard Gordon sa DOJ at BI na ipaalam sa Senate Blue Ribbon Committee ang planong paglabas o pagdating ni Yang mula sa ibang bansa.
Tiniyak naman ng DOJ ang pagpapalabas ng Immigration Lookout Bulletin Order (ILBO) laban kay Yang ngayong araw.
Una nang inihanda ng DOJ kahapon ang ILBO laban sa walong personalidad na sangkot din sa pagbili ng overpriced medical supplies.