Pagpapalabas ng mga korte ng commitment order sa mga preso patungong BJMP facilities, sinuspinde ng Korte Suprema

Sinuspinde ng Korte Suprema sa pamamagitan ng Office of the Court Administrator ang pagpapalabas ng mga hukuman ng commitment order sa mga inmate patungo sa pasilidad ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP).

Ito ay bilang tugon na rin sa kahilingan ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Sec. Eduardo Año upang maiwasan ang lalo pang kontaminasyon sa detention facilities sa harap pa rin ng patuloy na banta ng COVID-19.

Sakop ng kautusan ang mga hukom sa first at second level courts.


Layon nito na maprotektahan ang mga tinaguriang Persons Deprived of Liberty (PDL).

Bunga nito, Pansamantala munang i-aacomodate o kakalingain ng Philippine National Police (PNP) ang mga bagong arestong mga inmate hanggang August 31,2020.

Maliban kung ang BJMP ay may kakayahang tumanggap ng bagong PDL.

Posible ring mapalawig ang panahon ng suspensyon ng paglalabas ng commitment order ng mga hukuman kung kakailanganin ng pagkakataon.

Facebook Comments