Pinaiimbestigahan ni Senator Risa Hontiveros ang aniya’y “nakakaalarmang” gawain ng Philippine National Police (PNP) kung saan pinalalabas nila ang mga detainees at “pinatutulong” sa mga operasyon kaugnay ng pagsugpo sa iligal na droga.
Sa hearing ng Senate Committee on Public Order and Dangerous Drugs na pinamumunuan ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ay ipinakita ni Hontiveros ang video clip ng isang babaeng bilanggo na umaming kasabwat ng mga pulis sa isang anti-narcotics operations na naganap noong isang linggo.
Ang babae ay sangkot sa isang “muntik nang misencounter” sa isang Quezon City mall parking lot sa pagitan ng PNP at ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) operatives.
Dagdag pa ni Hontiveros, bukod dito ay lumabas din na sa madugong shootout sa Commonwealth Avenue sa pagitan ng PNP at PDEA noong Pebrero ay may isa pa umanong detainee ang umamin rin na “nagpatulong” sa kanya ang mga pulis.