Inendorso na ni House Speaker Ferdinand Martin Romualdez ang agarang pagpapalabas ng P150 milyon na tulong pinansyal ng Marcos administration para sa mga libo-libong biktima ng baha sa Davao region.
Ang nasabing financial assistance ay ipagkakaloob sa mga biktima ng kalamidad sa ilalim ng Assistance to Individuals in Crisis Situations (AICS) program ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).
Ang release ng pondo ay ipadadaan sa mga congressional districts ng Davao lawmakers at sa local government executives.
Bukod dito ay aabot naman sa 21,000 food packs ang ipapamahagi sa mga inilikas na biktima ng baha Davao Region at Davao Oriental.
Bukod pa ito sa 30,000 food packs na magmumula naman sa DSWD.
Facebook Comments