Pagpapalabas Ng Pacquiao-Bradley Fight Sa Abril, Tuloy Sa Kabila Ng Posibleng Paglabag Nito Sa Fair Election Law

1

MANILA – Tuloy ang pagpapalabas sa bansa ng laban ni Saranggani Congressman Manny Pacquiao kay Timothy Bradley sa Abril.Sinabi ni Comelec Chairman Andres Bautista, na walang pormal na reklamong isinampa laban kay Pacquiao kaugnay sa umiiral na Election Law.Ayon kay Bautista, wala silang kapangyarihan para pigilan ang pagpapalabas nito.Hinikayat naman nito ang mga kandidato na maghain ng reklamo kung naniniwala silang hindi patas ang pagpapalabas ng laban.nauna ng sinabi ni dating Akbayan Rep. Walden Bello, na maaring malabag ang Fair Election Law sakaling payagang ipalabas sa ang Pacquiao-Bradley fight.

Facebook Comments