Walang nakikitang problema si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., kung papayagan man ang commercial release ng pelikulang ‘Barbie’ sa mga sinehan sa bansa.
Ang pahayag ay ginawa ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., kasunod ng panawagan ng ilang mambabatas na huwag payagang maipalabas sa bansa ang pelikula dahil sa pagpapakita ng ‘invalidated’ na ‘nine-dash line’ ng China sa isa sa mga eksena rito.
Sa isang panayam sa Pangulo, sinabi nito na may nagsabi pa nga sa kanya na maganda ang pelikula at wala aniyang masama rito dahil kathang-isip o ‘work of fiction’ lang naman ito.
Una rito, inaprubahan ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRBC) ang commercial release ng pelikulang “Barbie” ng Warner Bros sa bansa.
Facebook Comments