Pagpapalabas ng PNP sa mga Oplan Tokhang Police Report, nakasalalay sa direktiba ng Pangulo

Hihintayin muna ng pamunuan ng Philippine National Police ang panibagong utos ng Pangulong Rodrigo Duterte bilang kanilang Commander in Chief.

Ito ay matapos na iutos ng Korte Suprema sa office of the solicitor General na ilabas na ang lahat ng Oplan Tokhang Police Reports lalo na ang mga kwestyunableng operasyon.

Ayon kay PNP Chief Police General Oscar Albayalde ang PNP ay irerepresent ng Office of the Solicitor general o OSG ibigsabihin ang OSG ang bahalang magsumite ng oplan tokhang police reports sa SC.


Naisumite na aniya nila ang lahat ng oplan tokhang police reports sa OSG.

Kabilang na aniya dito  ang oplan tokhang police reports sa mga regions.

Maliban sa pagsumite nagpapatuloy din aniya ang imbestigasyon ng PNP internal Affairs service sa mga Death under investigation kaugnay sa PNP Oplan Tokhang.

Wala naman daw problema sa PNP kung patuloy na iniimbestigahan ang kanilang mga Oplan Tokhang Police Operations.

Aniya ang malinaw sa ngayon may ginawa at ginagawa pang hakbang ang PNP para rito.

Ito ay ang pagsibak noon sa pwesto at pagiimbestiga sa mga pulis na nasangkot sa kwetyunableng Oplan Tokhang Operations.

Facebook Comments