Pagpapalabas ng pondo para makumpleto ang Cavite Drug Rehabilation Center ng DOH, inaprubahan ng DBM

Aprubado na ng Department of Budget and Management (DBM) ang pagre-release ng pondo para makumpleto ang konstruksyon ng drug abuse treatment and rehabilitation center ng Department of Health (DOH) sa Trece Martires, Cavite

Ayon kay DBM Secretary Amenah Pangandaman, ₱48 milyon ang kanyang inaprubahang pondo para mai-release.

Sinabi ni Pangandaman, hindi lang paghuli sa mga gumagamit at nagbebenta ang prayoridad ng Marcos administration, sa halip maging ang rehabilitasyon ng mga biktima at adik sa iligal na droga ay kasama rin sa tinututukan ng pamahalan kaya nilaanan ng pondo.


Ang pondo ayon pa kay Pangandaman ay mula sa donasyon ng Japan International Cooperation Agency – Program for Consolidated Rehabilitation of Illegal Drug Users o JICA – CARE at Automatic Appropriations sa ilalim ng FY 2023 ng General Appropriations Act.

Sinabi pa ni Pangandaman na magpapatuloy ang pamahalaan sa paglalaan ng pondo para sa drug abuse treatment and rehabilitation center.

Facebook Comments