Inaprubahan na ni Pangulong Rodrigo Duterte, ang pagpapalabas ng P5 milyong pondo para mapahusay ang health facilities sa Dinagat, Cagayan at Batanes.
Ayon kay Committee on Health Chairman Senator Christopher “Bong” Go, layunin na mapalakas ang pagtugon ng mga malalayong komunidad sa pangangailangang pangkalusugan ng kanilang mamamayan ngayong patuloy ang pagkalat ng COVID-19.
Ayon kay Go, ang salapi ay para sa Health Facilities Enhancement Program (HFEP) ng Department of Health (DOH), para matugunan ang kailangang imprastraktura ng mga barangay health station at Local Government Unit (LGU) hospital.
Binigyang diin ni Go, na ang nabanggit na pondo ay malaking tulong upang maiwasan ang sitwasyon na wala nang kama na available para sa may mga sakit.
Dagdag ni Go na dapat ay laging handa ang mga pampublikong ospital para sa serbisyo ng mga pasyente, lalo na sa mga komunidad na malayo sa siyudad.