Pagpapalabas ng pondo para sa hindi magandang epekto ng COVID-19 vaccine, inaprubahan ni Pangulong Duterte

Inaprubahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagpapalabas ng pondo para sa kompensasyon ng mga makakaranas ng malubhang hindi magandang epekto ng bakuna laban sa COVID-19.

Inihayag ito ni Senator Christipher Bong Go na siyang Chairman ng Senate Committee on Health.

Diin ni Go, patunay ito ng commitment ng pamahalaan na pangalagaan ang mga Pilipino at siguruhing may masasandalan sila anumang hamon ang harapin nila sa gitna ng COVID-19 pandemic.


Ayon kay Go, nakapaloob sa COVID-19 Vaccination Program Act of 2021 ang paglalaan ng P500 million sa PhilHealth bilang Indemnity Fund na kukunin sa contingent fund sa ilalim ng national budget ngayon taon.

Ang COVID-19 National Vaccine Indemnity Fund ay isang trust fund na gagamiting kompensasyon para sa magkakasakit, mao-ospital, magkakaroon ng permanenteng kapansanan o iba pang severe adverse effect bunga ng COVID-19 vaccine.

Hanggang 100,000 pesos ang COVID-19 Vaccine Injury package na ibabatay sa aktwal na bayarin sa ospital.

Facebook Comments