Pagpapalabas ng survey sa mga kandidato, pinatitigil sa COMELEC

Manila, Philippines – Pinatitigil ng isang senatoriable ang pagsasagwa ng voter preference surveys ng Pulse Asia at Social Weather Stations.

Sa sampung pahinang petition for prohibition, hiniling ni Atty. Larry Gadon sa COMELEC na pagbawalan ang Pulse Asia at SWS na magsagawa ng senatorial survey dahil ito aniya ay mga pekeng survey.

Ayon kay Gadon, malayo sa katotohanan ang survey at hindi nito kinakatawan ang mayorya ng mga botante.


Hindi rin aniya dapat i-publish ang survey ng dalawang survey firms dahil nagiging instrumento lang ito ng mind conditioning sa halip na makapagbigay ng tamang impormasyon.

Posible rin aniyang magamit itong excuse or alibi sa pandaraya dahil ikakatwiran ng kandidato na sila ay malakas sa survey.

Facebook Comments