Hindi na dapat kwestyunin ang mga bansang magiisyu ng travel advisory para sa kanilang mga kababayan na ngayon ay nasa Pilipinas.
Reaksyon ito ni Defense Secretary Delfin Lorenzana kasunod ng pagpapalabas ng travel advisory ng United Kingdom sa ilang lugar sa Mindanao para bigyang babala ang kanilang mga kababayan.
Sa travel advisory ng United Kingdom pinagiingat nila ang kanilang mga kababayan sa mga lugar sa Mindanao, Camiguin, Dinagat at Siargao kasunod nang naganap na dalawang beses na pagsabog kahapon sa jolo sulu na ikinasawi ng 20 indibidwal at pagkasugat ng mahigit isang daan iba pa.
Ayon kay Lorenzana responsibilidad ng gobyerno ng United Kingdom na paaalalahaan ang kanilang mga kababayan.
Ganito rin aniya ang ginagawa ng gobyerno ng Pilipinas sa ibang bansa kapag mayroong nagaganap na gulo.