Pagpapalabas ng writ of Amparo kaugnay ng tokhang operations sa Maynila, inihirit sa Korte Suprema

Manila, Philippines – Naghain sa Korte Suprema ng Petition for the issuance of the Writ of Amparo ang ilang kasapi ng religious group at mga residente ng Maynila.

May kaugnayan ito sa tokhang operations ng Manila Police District Station 6 sa San Andres Bukid, Maynila.

Partikular na nagsilbing kinatawan ng mga pamilya ng tatlumpu’t limang biktima ng tokhang operations mula noong July 2016, ang ilang abogado mula sa Center for International Law o Centerlaw.


Sa petition for writ of amparo ng 47 petitioners, sa pangunguna ni Sister Ma. Juanita Daño ng Religious of the Good Shepherd; at ni Francisco Blanco, Jr., na kapatid ng isang biktima ng anti-drug war operation, hiniling din nila sa Supreme Court na pagbawalan ang pulisya na puwersahin ang barangay officials na magsumite ng mga suspected drug users o pushers sa kanilang komunidad.

Hiniling din nila ang pagpapalabas ng temporary protection order para sa proteksyon ng pamilya ng mga biktima ng tokhang operations.

Facebook Comments