MANILA – Ipinagmalaki ni Senadora Grace Poe na palalaguin niya ang sektor ng turismo at manufacturing sakaling maging pangulo ng bansa.Aayudahan niya ang mga Micro, Small and Medium Enterprises (MSMEs) ng bansa para magbukas ng mga bagong oportunidad pangkabuhayan para sa mga mamamayan.Tiniyak niya ang paglikha ng 1.7 milyong trabaho kada taon sa kanyang panunungkulan bilang sandata sa pagsugpo sa kahirapan sa bansa na ugat ng tumitinding krimen sa bansa.Sa kanyang mga campaign rally sa Bicol, idiniin ni Sen. Poe na hindi lang lagpas isang milyong trabaho ang kanyang lilikhain kundi milyong pemanenteng trabaho, na may kasiguruhan at walang diskriminasyon.Nitong Enero ng 2016, ang unemployment rate sa bansa ay bansa 5.8% at sa bilang ng walang trabahong pilipino, 45% ay nagtapos ng high school… lagpas 30% ang may edad sa pagitan ng 25 hanggang 34 taon, at 48% ay may edad 15-24 taong gulang.Nangako rin Sen. Poe na maglalaan ng P300 bilyon sa agrikultura, na ikalawang pinakamalaking employer sa bansa pero ito rin ang pinakamahirap na sektor.
Pagpapalago Sa Turismo At Manufacturing Sector, Tiniyak Ni Senadora Grace Poe
Facebook Comments