Pagpapalakas ng Agrikultura sa gitna ng COVID-19, makakatulong sa ekonomiya ng bansa

Hinimok ni Bagong Henerasyon Partylist Rep. Bernadette Herrera ang pamahalaan na samantalahin ang kasalukuyang pandemya para matutukan at palakasin ang agricultural sector ng bansa.

Kasunod na rin ito ng pag-apruba ng House Committee on Agriculture and Food at Special Committee on Food Security sa panukalang naglalayong palakasin ang urban farming.

Ayon kay Herrera, ang pagpapalakas ng agrikultura ay hindi lang nagpapatatag sa seguridad ng pagkain kundi naka-lilikha rin ng trabaho at pang-kabuhayan ng maraming Filipino.


Itinutulak din ng panukala ang pag- institutionalize sa mga community garden at gulayan sa mga paaralan bilang alternatibong pagkukunan ng suplay ng pagkain ng bansa.

Facebook Comments