Pinangunahan ng Department of Education o DepEd ang “Partners Convergence” sa National Museum of Natural History sa Maynila.
Layunin nito na mapalakas pa ang basic education sa buong bansa kung saan ang aktibidad ay pinangunahan ni Vice President at Education Secretary Sara Duterte.
Dumalo rin dito sina Manila Mayor Honey Lacuna, mga ambassador ng iba’t ibang bansa, mga kinatawan ng ilang mga sektor at iba pang stakeholders.
Ang Partners Convergence ay nakalinya sa MATATAG Agenda ng DepEd, Bansang Makabata, Batang Makabansa.
May presentasyon ng mga priority intervention o mga hakbang upang matugunan ang mga suliranin sa basic education.
Nagpasalamat naman si VP Duterte sa mga partner ng DepEd at stakeholders, para maisulong ang pagpapalakas ng edukasyon sa ating bansa at mapagbuti ang buhay ng mga mag-aaral.
Samantala, inanunsyo ni VP Duterte na bibisita siya sa Brunei at Singapore sa Hunyo bilang parte ng kanyang tenure bilang presidente ng Southeast Asian Ministers of Education Organization o SEAMEO.
Aniya, umaasa siya na matututo tayo mula sa mga bansa ukol sa best practices pagdating sa edukasyon.