Pagpapalakas ng batas na magbibigay proteksyon sa mga kabataan, pagaaralan ng Senado

Pagaaralan ni Senator Ronald ‘Bato’ dela Rosa kung paano palalakasin ang mga batas para sa pagbibigay proteksyon sa mga bata at pangangalaga sa kanilang mga karapatan.

Ito ay kasunod ng impormasyon ng Department of Justice (DOJ) na mayroong 19 na kabataan ang sumailalim sa forced marriage sa Socorro Bayanihan Services, Inc.

Target din ng Senate Committee on Public Order and Dangerous Drugs na pinamumunuan ni Dela Rosa na maglatag ng mga kaso kaugnay sa paglabag sa karapatan ng mga bata.


Handa rin ang senador na pag-aralan ang posibilidad na hindi lamang sa Socorro, Surigao del Norte nangyayari ang forced marriage ng mga menor de edad matapos lumabas sa pag-aaral na isa sa bawat apat na batang babae ang sapilitang naipakakasal sa kanilang murang edad.

Aminado ang mambabatas na posibleng nangyayari ito dahil ito ay nasa kultura, kaugalian at paniniwala rin ng ibang grupo.

Facebook Comments