Pagpapalakas ng cacao industry, pinamamadali na ang pagpapatibay sa Kamara

Muling ipinanawagan ni AAMBIS-OWA Partylist Representative Sharon Garin ang pagpapalakas ng cacao industry sa bansa matapos na kilalanin ang Malagos Chocolate ng Davao sa World Drinking Chocolate Competition 2020.

Dahil dito, pinamamadali ni Garin ang pagpapatibay sa House Bill 7625 o Cacao Industry Development Act na layong mapalawig ang gamit na teknolohiya, mapaunlad, maisulong at maging competitive ang Philippine cacao industry, mapa-domestic o global market.

Sa pagdinig ng House Committee on Agriculture, binigyang diin ni Garin ang kahalagahan na mag-focus sa production programs ng mga magsasaka at ang maitaas ang konsumo sa domestic market para mai-angat ang demand ng cacao sa bansa.


Layunin ng panukala na magkaroon ng matatag na pambansang programa na magsasanay sa mga stakeholder ng cacao industry na pangungunahan naman ng Department of Agriculture (DA).

Magkakaroon din ng National Cacao Development Council na magtitiyak sa kaayusan at development ng industriya gayundin ay lilikha ng mekanismo para sa mas matibay na public at private sector partnership.

Facebook Comments