Pagpapalakas ng contact tracing at COVID-19 testing, inirekomenda ng eksperto sa harap ng pagdami ng asymptomatic sa bansa

Hinikayat ang publiko ni Dr. Michael Tee, Vice Chancellor ng University of the Philippines (UP) Manila at kasapi ng OCTA Research, na seryosohin ang pagbibigay ng impormasyon sa contact tracing.

Ito ay dahil sa lumilitaw na malaking bilang ng mga tinamaan ng COVID-19 ay mga asymptomatic o walang sintomas na naramdaman.

Batay sa datos ng Philippine Red Cross (PRC) na inilabas ni Dr. Tee, lumalabas na mahigit 19% lamang ng COVID-19 positive sa bansa ang symptomatic o nagkaroon ng mga sintomas.


Sa pamamagitan aniya ng contact tracing ay mas magiging epektibo ang pagtukoy ng pamahalaan sa mga dapat dumaan sa pagsusuri.

Inirekomenda rin ni Dr. Tee at iba pang kasapi ng OCTA Research ang pagpapalakas pa sa testing capacity para mas mapahusay ang pagtukoy sa mga positibo sa impeksyon.

Facebook Comments