Pagpapalakas ng cybersecurity ng bansa, ipinag-utos ni PBBM

Inatasan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang Philippine National Police (PNP) na palakasin ang kampanya laban sa krimen lalo na sa cybersecurity.

Ito ay sa pamamagitan ng pagsasanay ng kapulisan at pagkuha ng teknolohiya para sa pagtugon sa cybercrime at cybersecurity sa bansa.

Sa Malacañang press briefing, sinabi ni Philippine National Police (PNP) Chief Gen. Benjamin Acorda Jr., na bagama’t bumaba ng 10.66% ang crime index sa bansa ay aminado itong tumaas ang cybercrimes.


Dahil dito, ipinag-utos ng pangulo na gawing centralized at standardized ang anti-cybercrime system ng pamahalaan.

Kaugnay nito ay magkaroon din aniya ng pagsasanay ang mga kapulisan hanggang sa municipal level ng PNP, upang magkaroon ng angkop na kaalaman sa pagtugon sa cybercrimes.

Nabatid na nangungunang kaso ng cybercrime sa bansa ang estafa, illegal access, identify theft, online libel, credit card fraud, at love scam, na karamihan ay dito mismo sa Pilipinas ginawa.

Facebook Comments